Sinimulan na po ang pagpatayo ng bagong building ng Navotas Polytechnic College


Published on

January 14, 2022

Para lalo nating maitaas ang antas ng ating buhay, importante na bigyang halaga ang kalidad ng edukasyon ng bawat batang Navoteño.
Sinimulan na po ang pagpatayo ng bagong building ng Navotas Polytechnic College. Ang bagong gusali na ito ay magkakaroon ng mas maraming classrooms, laboratories, research and publication room, library, audio-visual room, at multi-purpose room.
Magkakaroon din ito ng medical at dental clinic, indoor gymnasium, outdoor sports and activity area na may volleyball/badminton court, indoor at outdoor study areas, canteen, indoor garden at atrium.
Lahat po ito ay ating isinasagawa para lalong mahikayat ang ating kabataan na paghusayin ang kanilang pag-aaral.
Marami pa po kaming magandang balita ukol sa patuloy na pag-unlad ng Navotas. Kasabay ng ating week-long celebration ng 116th Navotas Day.
Kaya, tutok lang po sa page ko at ni Mayor Toby Tiangco para sa mga iba pang mga kaganapan.
#BeHealthyAndSafeAllTheWay #Navotas #JohnReyTiangco #JRT #CongressmanJohnReyTiangco #CongressmanJRT #CongJRT #Navotas116 #116thNavotasDay #Navotas116thAnniversary

© Navotas Polytechnic College.
All rights reserved.

Powered by:

Contact Us

Address

Bangus Street Corner Apahap Street, North Bay Boulevard South, Navotas City
Official Website of Navotas Polytechnic College