“Sana ay maipagpatuloy pa ito ng NPC para sa mga mag-aaral na Navoteño”

Published on
“Kami lang ang tumanggap pero trabaho po ito ng mga kawani, mga guro, ng Board of Trustees, at ng pamunuang lokal ng Navotas na katuwang sa pagpapatupad ng misyong makapagbigay ng edukasyong tumutupad sa pamantayan ng Commission on Higher Education. Ngayong araw ay binigyang parangal ang mga lokal na kolehiyo at unibersidad sa CHED NCR na may full institutional recognition o may recognition of program compliance kung kaya mapalad na napabilang ang mga estudyante sa mga tumanggap ng mga benepisyong tulad ng free tuition, miscellaneous fees, at Tertiary Education Subsidy sa pamamagitan ng Unified Financial Assistance System na nagtitiyak ng masinop na implementasyon ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act o RA 10931 na pinirmahan ng Pangulong Duterte. Kasama sa LUCs na kinilala ng CHED ang Navotas Polytechnic College. Ang parangal ay malaking hamon na paunlarin pa ang institusyon at ang mga serbisyo nito para sa lalong kapakinabangan ng mga estudyanteng Navoteño.”
#UniFAST #RA10931 #LibrengEdukasyon #FreeHigherEducation #PINASkolar #ProfPopoyDeVera #CHEDNCR #GawadParangal
-REBECCA T. AÑONUEVO, PhD
College President