MGA PANUNTUNAN SA ONLINE ENROLLMENT


Published on

January 12, 2023
MGA PANUNTUNAN SA ONLINE ENROLLMENT
NGAYONG A.Y. 2022-2023, 2ND SEMESTER
1. Isulat ang back subjects sa PRE-ENROLLMENT FORM. Ang back subjects ay mga subject na naiwan sa nakaraang semestre. Ang kadalasang nagkakaroon nito ay ang mga nagpalit ng kurso o mga nagkaroon ng F (Failed) o UD (Unofficially Dropped) na grado at mga transferees. Ang back subjects lang ang isusulat sa form, at hindi ang lahat ng subjects na kukunin sa 2nd semester.
2. Isulat ang angkop na klasipikasyon ng New Curriculum:
a. ALIGNED (strand ay ABM at GAS na kumukuha ng BSBA/ strand ay HUMSS at GAS
na kumukuha ng BEED o BSED),
b. BRIDGING PROGRAM (strand ay HUMSS, TVL, STEM na kumukuha ng BSBA/
strand ay ABM, TVL at STEM na kumukuha ng BEED o BSED)
c. LIFELONG LEARNER (mga ALS passers at estudyante na nakapagtapos ng high
school sa taong 2016 pabalik).
Note: Sa may kursong Associate in Information Systems (AIS), isulat ang N/A o Not Applicable.
3. Palagiang buksan ang email account upang inyong makita ang naipadalang listahan ng enrolled subjects. Sumagot ng “YES” kung sumasang-ayon sa mga subjects na natanggap, “NO” kung may subjects na idagdag, mag-reply para sabihin ang idadagdag na subject. Ipadala ang kasagutan sa enrollment@navotaspolytechniccollege.edu.ph.
Siguraduhin nai-SUBMIT at nakatanggap ng “COPY OF RESPONSE” pagkatapos sumagot sa pre-enrollment google form.
4. PARA SA MGA NON-SCHOLAR NG 1st SEMESTER NG A.Y. 2022-2023,
i-print ang Clearance Certificate. Magbayad ng balanse sa tuition ng nakaraang semestre kasabay ng pagpapapirma ng clearance sa Accounting Office na nasa Second Floor ng Kapitbahayan Multi-Purpose Building.
5. Maghintay ng anunsyo sa NPC Facebook page kung paano ang pag-aplay ng scholarship at kung kailan ibibigay ang iyong Registration Form. Dumating sa itinakdang araw na dala ang Student ID, Library Card, Registration Form ng 1st Semester ng A.Y. 2022-2023 NPC Full Scholarship Memorandum of Agreement(M.O.A) at Clearance Certificate para sa mga non-scholar ng nakaraang semestre.
6. PARA SA MGA MAGBABALIK SA PAG-AARAL (READMISSION), magkakaroon ng hiwalay na anunsyo para sa proseso ng inyong enrollment.
Kung may ibang may mga katanungan tungkol sa enrollment maaaring mag-email sa npc.registrar@gmail.com.
HINIHILING NAMIN ANG INYONG KOOPERASYON AT PAGSUNOD SA PANUNTUNAN
NA ITINAKDA NG KOLEHIYO.
SALAMAT PO.

© Navotas Polytechnic College.
All rights reserved.

Powered by:

Contact Us

Address

Kapitbahayan Multi-Purpose Hall, North Bay Boulevard South Kaunlaran, Navotas City (Formerly Kapitbahayan Basketball Court)

Follow Us:

Visitor Counter

023517
Users Today : 79
Users Yesterday : 186
This Month : 3568
This Year : 3568
Total Users : 23517
Views Today : 1282
Total views : 92365