MGA PANUNTUNAN SA ONLINE ENROLLMENT NGAYONG AKADEMIKONG TAON 2021-2022, UNANG SEMESTRE

MGA PANUNTUNAN SA ONLINE ENROLLMENT NGAYONG AKADEMIKONG TAON 2021-2022, UNANG SEMESTRE
Published on:

1. Isulat ang back subjects sa pre-registration form. Ang back subjects ay mga subject na naiwan sa nakaraang semestre. Ang kadalasang nagkakaroon nito ay ang mga nagpalit ng kurso o mga nagkaroon ng F (Failed) o UD (Unofficially Dropped) na grado. Ang back subjects lang ang isusulat sa form, at hindi ang lahat ng subjects na kukunin sa 1st semester.

2. Isulat ang angkop na klasipikasyon ng New Curriculum:
a. ALIGNED (strand ay ABM at GAS na kumukuha ng BSBA/ strand ay HUMSS at GAS na kumukuha ng BEED o BSED),
b. BRIDGING PROGRAM (strand ay HUMSS, TVL, STEM na kumukuha ng BSBA/ strand ay ABM, TVL at STEM na kumukuha ng BEED o BSED)
c. LIFELONG LEARNER (mga ALS passers at estudyante na nakapagtapos ng high school sa taong 2016 pabalik).
Note: Sa may kursong Associate in Information Systems (AIS), isulat ang N/A o Not Applicable. May hiwalay na proseso ng pag-apply sa NPC Full Scholarship ang mga estudyante ng AIS.

3. Palagiang buksan ang email account upang inyong makita ang naipadalang listahan ng enrolled subjects. Sumagot ng “RECEIVED” sa npc.enrollment@gmail.com kung ikaw ay sumasang-ayon sa listahan ng subjects. Kung may subjects na idagdag, mag-reply para sabihin ang idadagdag na subject.

4. Para sa mga non-scholar ng 2nd Semester ng A.Y. 2020-2021 at mga readmitted na estudyante, i-print ang clearance certificate. Magbayad ng balanse sa tuition ng nakaraang semestre kasabay ng pagpapapirma ng clearance sa Accounting Office na nasa Ground Floor ng Navotas Institute Annex II sa Barangay Daanghari.

5. Maghintay ng anunsyo sa NPC Facebook page kung paano ang pag-aplay ng scholarship at kung kailan ibibigay ang iyong Registration Form. Dumating sa itinakdang araw na dala ang Student ID, Library Card, Registration Form ng 2 nd Semester ng A.Y. 2020-2021, at Clearance Certificate para sa mga non-scholar ng nakaraang semestre.

6. PARA SA MGA MAGPAPALIT NG KURSO (shifting of course) at MAGBABALIK SA PAG- AARAL (READMISSION), siguraduhing nagrehistro sa anunsyo na nai-post noong Hulyo 12-19, 2021 BAGO MAGPAREHISTRO SA ONLINE ENROLLMENT.
Kung may ibang may mga katanungan tungkol sa enrollment maaaring mag-email sa npc.registrar@gmail.com.
HINIHILING NAMIN ANG INYONG KOOPERASYON AT PAGSUNOD SA PANUNTUNAN NA ITINAKDA NG KOLEHIYO.
SALAMAT PO.

© Navotas Polytechnic College.
All rights reserved.

Powered by:

Contact Us

Address

Bangus Street Corner Apahap Street, North Bay Boulevard South, Navotas City
Official Website of Navotas Polytechnic College