MGA PANUNTUNAN SA ONLINE ENROLLMENT NGAYONG A.Y. 2022-2023, 1ST SEMESTER


Published on

July 22, 2022
1. Isulat ang back subjects sa PRE-ENROLLMENT FORM. Ang back subjects ay mga subject na naiwan sa nakaraang semestre. Ang kadalasang nagkakaroon nito ay ang mga nagpalit ng kurso o mga nagkaroon ng F (Failed) o UD (Unofficially Dropped) na grado at mga transferees. Ang back subjects lang ang isusulat sa form, at hindi ang lahat ng subjects na kukunin sa 1st semester.
2. Isulat ang angkop na klasipikasyon ng New Curriculum:
a. ALIGNED (strand ay ABM at GAS na kumukuha ng BSBA/ strand ay HUMSS at GAS na kumukuha ng BEED o BSED),
b. BRIDGING PROGRAM (strand ay HUMSS, TVL, STEM na kumukuha ng BSBA/ strand ay ABM, TVL at STEM na kumukuha ng BEED o BSED)
c. LIFELONG LEARNER (mga ALS passers at estudyante na nakapagtapos ng high school sa taong 2016 pabalik).
Note: Sa may kursong Associate in Information Systems (AIS), isulat ang N/A o Not Applicable.
3. Palagiang buksan ang email account upang inyong makita ang naipadalang listahan ng enrolled subjects. Sumagot ng “YES” kung sumasang-ayon sa mga subjects na natanggap, “NO” kung may subjects na idagdag, mag-reply para sabihin ang idadagdag na subject. Ipadala ang kasagutan sa npc.enrollment@gmail.com. Kung walang kasagutan, ibig sabihin ay ipinapa-kansela ang enrollment.
Siguraduhin nai-SUBMIT at nakatanggap ng “COPY OF RESPONSE” pagkatapos sumagot sa pre-enrollment google form.
4. PARA SA MGA NON-SCHOLAR NG 2ND SEMESTER NG A.Y. 2021-2022 AT MGA READMITTED NA ESTUDYANTE, i-print ang Clearance Certificate. Magbayad ng balanse sa tuition ng nakaraang semestre kasabay ng pagpapapirma ng clearance sa Accounting Office na nasa Second Floor ng City Public Library katabi ng Navotas Police Station
5. Maghintay ng anunsyo sa NPC Facebook page kung paano ang pag-aplay ng scholarship at kung kailan ibibigay ang iyong Registration Form. Dumating sa itinakdang araw na dala ang Student ID, Library Card, Registration Form ng 2nd Semester ng A.Y. 2021-2022, Scholarship Application Form at Clearance Certificate para sa mga non-scholar ng nakaraang semestre.
6. PARA SA MGA MAGBABALIK SA PAG-AARAL (READMISSION), siguraduhing nagrehistro sa anunsyo na nai-post noong June 28 – July 5, 2022 bago magparehistro sa online enrollment.
Kung may ibang may mga katanungan tungkol sa enrollment maaaring mag-email sa npc.registrar@gmail.com.
HINIHILING NAMIN ANG INYONG KOOPERASYON AT PAGSUNOD SA PANUNTUNAN NA ITINAKDA NG KOLEHIYO.
SALAMAT PO.

© Navotas Polytechnic College.
All rights reserved.

Powered by:

Contact Us

Address

Kapitbahayan Multi-Purpose Hall, North Bay Boulevard South Kaunlaran, Navotas City (Formerly Kapitbahayan Basketball Court)

Follow Us:

Visitor Counter

017116
Users Today : 62
Users Yesterday : 113
This Month : 62
This Year : 17116
Total Users : 17116
Views Today : 134
Total views : 71685