MGA PANUNTUNAN SA ONLINE ENROLLMENT NGAYONG A.Y. 2022-2023, 1ST SEMESTER (LATE ENROLEES)


Published on

August 29, 2022
1. Isulat ang back subjects sa PRE-ENROLLMENT FORM. Ang back subjects ay mga subject na naiwan sa nakaraang semestre. Ang kadalasang nagkakaroon nito ay ang mga nagpalit ng kurso o mga nagkaroon ng F (Failed) o UD (Unofficially Dropped) na grado at mga transferees. Ang back subjects lang ang isusulat sa form, at hindi ang lahat ng subjects na kukunin sa 1st semester.
2. Isulat ang angkop na klasipikasyon ng New Curriculum:
a. ALIGNED (strand ay ABM at GAS na kumukuha ng BSBA/ strand ay HUMSS at GAS na kumukuha ng BEED o BSED),
b. BRIDGING PROGRAM (strand ay HUMSS, TVL, STEM na kumukuha ng BSBA/ strand ay ABM, TVL at STEM na kumukuha ng BEED o BSED)
c. LIFELONG LEARNER (mga ALS passers at estudyante na nakapagtapos ng high school sa taong 2016 pabalik).
Note: Sa may kursong Associate in Information Systems (AIS), isulat ang N/A o Not Applicable.
3. Palagiang buksan ang email account upang inyong makita ang naipadalang listahan ng enrolled subjects. Sumagot ng “YES” kung sumasang-ayon sa mga subjects na natanggap, “NO” kung may subjects na idagdag, mag-reply para sabihin ang idadagdag na subject. Ipadala ang kasagutan sa npc.enrollment@gmail.com. Kung walang kasagutan, ibig sabihin ay ipinapa-kansela ang enrollment.
Siguraduhin nai-SUBMIT at nakatanggap ng “COPY OF RESPONSE” pagkatapos sumagot sa pre-enrollment google form.
4. PARA SA MGA NON-SCHOLAR NG 2ND SEMESTER NG A.Y. 2021-2022 AT MGA READMITTED NA ESTUDYANTE, i-print ang Clearance Certificate. Magbayad ng balanse sa tuition ng nakaraang semestre kasabay ng pagpapapirma ng clearance sa Accounting Office na nasa Second Floor ng City Public Library katabi ng Navotas Police Station
5. Maghintay ng anunsyo sa NPC Facebook page kung kung kailan ibibigay ang iyong Registration Form. Dumating sa itinakdang araw na dala ang Student ID, Library Card, Registration Form ng 2nd Semester ng A.Y. 2021-2022, Scholarship Checklist Requirements, Clearance Certificate para sa mga non-scholar ng nakaraang semestre at Cedula.
6. PARA SA MAGBABALIK SA PAG_AARAL (READMISSION), siguraduhing nagrehistro sa anunsyo na nai-post noong June 28- June 2, 2022 at August 22- 28, 2022 bago magparehistro sa online enrollment.
Kung may ibang may mga katanungan tungkol sa enrollment maaaring mag-email sa npc.registrar@gmail.com.
HINIHILING NAMIN ANG INYONG KOOPERASYON AT PAGSUNOD SA PANUNTUNAN NA ITINAKDA NG KOLEHIYO.
SALAMAT PO.

© Navotas Polytechnic College.
All rights reserved.

Powered by:

Contact Us

Address

Bangus Street Corner Apahap Street, North Bay Boulevard South, Navotas City
Follow Us:

Visitor Counter

010094
Users Today : 51
Users Yesterday : 67
This Month : 118
This Year : 10094
Total Users : 10094
Views Today : 379
Total views : 47951