Skip to main content

MGA PANUNTUNAN SA ONLINE ENROLLMENT NG LATE ENROLLEES AT READMITTED STUDENTS NGAYONG A.Y. 2022-2023, 2ND SEMESTER


Published on

February 9, 2023

1. Isulat ang back subjects sa PRE-ENROLLMENT FORM. Ang back subjects ay mga subject na naiwan sa nakaraang semestre. Ang kadalasang nagkakaroon nito ay ang mga nagpalit ng kurso o mga nagkaroon ng F (Failed) o UD (Unofficially Dropped) na grado at mga transferees. Ang back subjects lang ang isusulat sa form, at hindi ang lahat ng subjects na kukunin sa 2nd semester.
2. Isulat ang angkop na klasipikasyon ng New Curriculum:
a. ALIGNED (strand ay ABM at GAS na kumukuha ng BSBA/ strand ay HUMSS at GAS na kumukuha ng BEED o BSED),
b. BRIDGING PROGRAM (strand ay HUMSS, TVL, STEM na kumukuha ng BSBA/ strand ay ABM, TVL at STEM na kumukuha ng BEED o BSED)
c. LIFELONG LEARNER (mga ALS passers at estudyante na nakapagtapos ng high school sa taong 2016 pabalik).
Note: Sa may kursong Associate in Information Systems (AIS), isulat ang N/A o Not Applicable.
3. Palagiang buksan ang email account upang inyong makita ang naipadalang listahan ng enrolled subjects. Sumagot ng “YES” kung sumasang-ayon sa mga subjects na natanggap, “NO” kung may subjects na idagdag, mag-reply para sabihin ang idadagdag na subject. Ipadala ang kasagutan sa enrollment@navotaspolytechniccollege.edu.ph.
Siguraduhin nai-SUBMIT at nakatanggap ng “COPY OF RESPONSE” pagkatapos sumagot sa pre-enrollment google form.
4. PARA SA MGA NON-SCHOLAR NG 1st SEMESTER NG A.Y. 2022-2023, i-print ang Clearance Certificate. Magbayad ng balanse sa tuition ng nakaraang semestre kasabay ng pagpapapirma ng clearance sa Accounting Office na nasa Second Floor ng Kapitbahayan Multi-Purpose Building.
5. Maghintay ng anunsyo sa NPC Facebook page kung paano ang pag-aplay ng scholarship at kung kailan ibibigay ang iyong Registration Form. Dumating sa itinakdang araw na dala ang Student ID, Library Card, Registration Form ng 1st Semester ng A.Y. 2022-2023, Scholarship Agreement at Clearance Certificate para sa mga non-scholar ng nakaraang semestre.
6. Hindi na kailangang mag-rehistro muli sa anunsyo ng online enrollment ang mga nakapag-rehistro noong Enero 12- 18, 2023.
Kung may ibang may mga katanungan tungkol sa enrollment maaaring mag-email sa npc.registrar@gmail.com.
HINIHILING NAMIN ANG INYONG KOOPERASYON AT PAGSUNOD SA PANUNTUNAN NA ITINAKDA NG KOLEHIYO.
SALAMAT PO.