Skip to main content

Bagong Building at mga Pasilidad ng Navotas Polytechnic College


Published on

November 4, 2021

Nagsagawa po tayo ng groundbreaking kanina para sa bagong building at mga pasilidad ng Navotas Polytechnic College. Ang bagong NPC ay magkakaroon po ng 28 classrooms, nine laboratories, library, gym, study areas, medical and dental clinics, canteen, at outdoor sports and activity areas.
Sa pagpapaayos po ng ating kolehiyo, hangad natin na maging mas maganda ang overall school experience ng ating mga estudyante at guro, at mas mapataas ang kalidad ng edukasyong ating naibibigay sa kabataang Navoteño.