Skip to main content

4th Navoteño Photo Competition and Exhibition


Published on

June 29, 2023

Navoteño Ako – Navotas City Public Information Office

Kung hinangaan ang mga pelikulang kasali sa Navoteño Film Festival, syempre hindi papatalo ang mga entry ng 4th Navoteño Photo Competition and Exhibition. Kung may magagaling na Navoteño filmmakers, marami ring magagaling na Navoteño photographers.
Kaya, tara na at ibandera ang mga larawang obra tungkol sa mga ‘Navoteña: Kasangga sa Panahon ng Krisis, Kalamidad at Sakuna.’ Bata man kayo o legal age na, pwedeng sumali. Basta bonafide Navoteño at pasok sa qualifications ng School at Open Category.
Para sa iba pang detalye, i-check ang Rules and Mechanics at Registration Form sa link na ito – https://tinyurl.com/4thNPCE.
Hanggang 7 July 2023 lang ang submission of entries kaya humanap na ng subject, i-spot ang pinakamagandang anggulo, at i-click ang inyong camera.
#NavoteñaKasangga
#4thNPCE
#4thNPCEOpenCategory
#4thNPCESchoolCategory
#GAD
#Navotas